Sent by Noni Alvero on 05/18/2013

Alam mo naman kung gaano kalapit sa amin, lalo na sa Lola ko, ang iyong ina. Kami ay nalulungkot sa kanyang pagpanaw pero sa isang banda ay natutuwa na rin kasi ako ay naniniwala na ang pagkamatay sa mundo ay hakbang tungo sa buhay na walang hanggan! Ipapanalangin ko ang kanyang kaluluwa at naway magkitakita na silang lahat sa kalangitan. Ipaabot mo pakikiramay ko sa iyong mga kapatid at sa mga kamag anak. ~ Noni Alvero