Mga Kwento ng Nanay

Created by babes_lgf 11 years ago
December 16, 2009 Hello Babes, Kumusta? Simbang gabi na. Nagsisimbanggabi ba kayo? Malabo yan ano. Kami ni Puring gusto naming nagsisimbang gabi kasi pagkalabas sa Simbahan ay tuloy sa tindahan ng mga kakanin at kumakain kami ni Puring ng suman sa ibos, chocolate at ginataang hipong palakpakin. Hay, ang sarap talaga. Pagdating sa bahay ay tutulog uli kami at tanghali na ang gising. Sa bayan ito. Those memories are still vivid in my heart. Hindi mo maipagpapalit ng kung gaano mang salapi. Alam mo bang dalawa ang bahay namin? Isa sa bukid Tikew at isa sa bayan. Parehong malalaki at narra ang sahig na malalapad. Hindi na ako nakakakita ng ganong kagandang sahig ngayon. Naalala ko noong nasa Tikew kami sila kuya Lino (SLN) ay bagong kasal lamang. Alagang alaga ko nga ang bahay namin. Varnish ang ginagamit ko sa sahig. Pagkaganda ganda. Hindi ko pinapayagang makapasok si Ate Celing sa salas. Sa loob ko noon ay hindi naman marunong maglinis ng bahay ang mga taga Maynila. Isinumbong ako kay Kuya Lino. Mas maganda ang bahay naming sa bayan. Ang salas hanggang dalawang kwarto ay malalapad na narra ang sahig. Tatlong bahay yong kabit kabit. Ang pagitan namin ng mga Lola Felicing ay malaking pinto at kila Na Verina (SLN) Ate Petra ay bintana lang. Palagi kasing nag aaway ang Nanay One (SLN) at Lola Verina kaya lagging nakasusi ang bintana. Mabait naman ang Lola Verina at lagi kaming tinatawag ni Kuya Juan sa kanila at pinapakain kami ng lanzones sa ilalim ng kama. May karamutan ang asawa noon at hindi namimigay ng kahit ano. Ang Nanay Verina ay laging nagbibigay sa amin ng ulam. Si Na Felicing naman ay ayaw mag-aral kaya si Tia Meding mo lang ang pinapag aral ng Lolo Justo. Sa UST pharmacy. Ang Tio Santos naman ay ayaw ding mag-aral at kung masunog daw ang bahay at hagdan ang mauna ay wala siyang madadaanan. Tange ano. Pero ang Tio Santos ay very intelligent namememorize niya ang isang libro ng caton. Hindi ko kayang iexplain yong caton at mga librong dasalan ng matatanda. Nagkagiyera na nga, sa bukid muna kami tumira total walang school. Maliliit pa kami. Ang dalawa ni Kuya Lino at Kuya Juan ay laging magkaaway na mortal. Sila Kuya Santos naman ay doon may bahay sa malapit sa gate natin. Pag nag-aaway ang dalawa ni Kuya Lino at Kuya Juan ay tawag agad ng Nanay ko ang Tio Santos. Heto na po siya (Kuya) at nakapulupot na ang sinturon sa kamay. Sisigaw agad yon ng sino – sino ang magpapatayan? Mga pukinang inang to. Lino dapa dine sa bangko. Dapa agad yon at walang kamimik imik. Isang palo lang ay tapos na. Si Johnny naman hindi pa pinapadapa ay ang dami na agad sinasabi kaya siya ang naiinaman ng palo. Sa puntong ito inaawat na ng Nanay ko ang pamamalo. Eh siya naman ang hinaharap ni Kuya. Minsan si Puring ay inutusan ng Nanay One na bumili ng isang perang bawang at isang perang sibuyas. Nakakakamison lang siya noon na de tirante. Sabi niya ay Ma Santos Ma Santos pabili daw ho ng isang perang bawang at isang perang sibuyas. Heh! Ang sigaw ni Kuya anong Ma Santos Kuya mo ako. Tumakbo na si Puring at hindi na nakabili at iyak na iyak. Mahilig na mahilig si Kuya ng salitang puki ng ina mo. Sumawa na siya ng pagtitinda nagbahay na sila sa looban. Si Loly (SLN) naman ay mahal na mahal ng Nanay One kaya siya ay sa amin nakatira. Ganon din si Narding. Chapter mun at oras ng pagluluto ng dinner. 17 Dec. – Huh nabigla naman ako. Darating pala ang mga balae ko ay hindi sinasabi ni Mina. Nakalimutan daw niya. Noong maliit pa ako akoy hinihingi ni Ate Valed (SLN) sa nanay ko. Valed – Valerrian ina nila Albert at Roming. Sabi niya ako daw naman ay napakapangit. Hindi daw ako bagay na kapatid ni Ate Meding at Ate Rosing. Sinigawan siya ng nanay ko at sabi sa kanya “Kahit pangit ang anak ko ay hindi ko ipinamimigay yan. Aalilain mo lamang yan. Akoy napaiyak. Mahal din pala ako ng nanay ko kahit na pangit. Lagi pa akong ginugupitan ni Ate Meding ng bangs na halos matakpan na yung mata ko. Eh pangit nga. 1945 panay na ang dogfight sa Maynila ng mga Allied planes (mostly US) at saka sa Los Baños maraming Kano sa concentration camp sa Los Baños. Kaya ang mga Japanese at Korean army ay nagre retreat puntang South and Los Baños particularly. Noong panahong iyon ng giyera kami ay nagkakaingin sa bundok ng Obabis. Malapit lang yon dine sa atin. Iyon ang source namin ng pagkain. Feb. 20 ang mag asawa ng tatay at nanay ko ay pupuntang kaingin para daw may stock kaming pagkain sa bahay. Lima silang barkada. Isa kapatid ni Ate Celing, si Popoy, isa niyang tiyohin si Dido at si Sidoro kasama namin sa Kalihon. Si Loly naman ay napakahabol sa Nanay One niya. Sabi ng Nanay One ay huag na at nagreretreatan nga ang Japon at Koreano ay baka anhin ka pa. Atsaka napakarami doong malalaking langgam na pula ay pangangagatin ka pa. Puki ng ina mo ay tumigil ka na diyan sa Tia Tina mo. Ang sagot ni Loly na iyak na iyak ay Puki ng ina mo pinangagat na nga ako ay wala pa ako sa bundok at iyais* na yung dalawang paa. Tuwi kong sasabihin yon kay Loly ay tawa ng tawa at sinabi daw ba niya yon. Pinagsabihan naming yung mag-asawa na huwag nang tumuloy at baka masagupa pa sila ng Japon at Koreano. Ang mga Koreano ay mababagsik. Hindi pa natatagalan ay marami nang nakababa galing bundok at ibinalita na yung limang barkada ng Nanay One ay nasalagmat ng Koreano. Oh my God! Ano ang magagawa namin? You cannot just go there and look for them. Japanese and Koreans were roaming the whole place. Kaya sila Kuya, Kuya Juan at ibang barkada ay naghintay ng gabi na tahimik na. Nakita naman nila agad yung mag-asawa. Ang tatay ko daw nakasandal sa puno ng niog at kalong kalong ang nanay ko. Ninakaw nila ang bangkay under the nose of the Koreans and Japanese. Alleluyah! Hindi ka makakasigaw ng iyak Puro bulungan. Inilibing muna sila doon sa looban kila Kuya. The following morning nagdatingan na ang mga sundalo from Manila to Los Baños to Mt. Obabis to the barrio of Tikew Pinaalis nila ang mga tao at inokupahan nila ang mga bahay bahay. So kami ay nagpuntahang bayan may dalang kung anumang aming makakayang dalahin. Akoy nagsunong ng maliit na takuyan na may lamang bigas. Doon kami naipon sa bahay nila Ate Biang (SLN). May kiskisan* pa sila Puno kami doon sa ibaba at itaas hanggang sa kiskisan. Mga babae lang ang pinapayagang makaowi ng bayan. Ang mga lalake isinakay sa malaking truck ng army inipon sa simbahan. The following day para kaming nanonood ng parada. Pinalabas ang mga lalake at sila ang pahaharapin sa mga allied soldiers na kasama ni McArthur na nagland sa Leyte. Marami doon sa nakulong ay nakatakas kasama ang Tio Inoy, Tio Juan, 2 Miguel isa kapatid ni Macarias asawa ng Ate Pining at isang kapatid ni Titay nakatira kay Ate Santa. Nakatakas ang karamihan. Ang minalas ay asawa ni Ate Petra (Antero). Basta hindi na makalakad ay pinapatay na agad at iiwan na lang sa isang tabi. Iyon naming mga nakatakas ay nagjoin sa mga guerilya. Iyan ang buhay namin noon Kung saan saan pang malalayong bukid kami nakarating sa pagtatago sa mga Japon at Koreano. Sa wakas medyo tahimik na ng konti. Nagbukas na uli ang mga schools. Wala nang formal education. Puro abridged classes para makatapos agad. First year to fourth year tinapos ko lang ng 2 ½ years. Sa Maynila ako nag 4th year. Doon ko nakaklase si Lolito my first and only boyfriend. Kami ni Puring ay dinala ni Ate Meding kila Ate Celing sa Maynila. Ipinangasera kami ke Ka Beneta (SLN) ina ni Tia Celing. Bago kami lumuwas dinalaw naming ang bahay naming sa Tikew. Jesus ko! Ano ang nangyari? Ninakaw ang mga bubong (wala nang bubong talaga) at ang pinakamamahal kong sahig na narra 3 puno ng chico sinibak. Vandals vandals. Akoy iyak na iyak. Ang tatay koy nagsusukâ mula sa ubod ng niog kaya kami ay maraming tapayan (9) ay walang lahat. Pinakamasarap ang aming suka. Such is life – sorry na lang- Next chapter again _____________________________ O Tin ako na to. Ang Kuya Santos (minsan ay Kuya lang ang address) ang pinakapanganay na kapatid ng Lola tina. Ang Kuya Lino (or kuya Inoy) at Kuya Juan (or Johnny) ay mga kapatid din niya. Si Tio Inoy ay namatay na isang Lt. Colonel ,asawa niya si Tia Celing (ina nila Ate Bebot, yung pinsan kong namasyal sa atin sa Pareja). Kapatid naman niyang babae ang mga Tia Meding, Tia Rosing at Tia Puring. Si Loly at Narding naman ay anak ni Tio Santos. Ang Tatay ng Nanay ay si Mamay Dino (Regino) at ang nanay ay is Nanay One (Cornelia, ang kalahati ng pangalan ko). Itatanong ko pa pero yung Justo wari ko ay tatay ng Nanay One. Kiskisan - rice mill. Iyais - hindi ko rin alam itatanong ko pa. o next chapter na daw muna.