Ikalawang Kwento

Created by babes_lgf 11 years ago
January 18, 2010 Alam mo ba, noong 29 years old na ako natakot na akong mahuli sa viaje (ng pag-aasawa) kaya tinanggap ko na ang tatay ninyo. Sabi naman niya sa akin eh noon pang magboyfriend kami ni Lito eh may gusto na siya sa akin kaya lang ipinalamang na niya ako sa nakababatang kapatid niya. Hindi niya sinasabi sa akin na ang-asawa na si Lolito sa Basilan. You know the rest. Nagtrabaho pa ako sa Carigara, Leyte sa kaklase ko na nagbukas ng botica. Nang makapasa na siya (Honoraria Tonolete) ay omuwi na ako. Noon naman dinibdib na ng tatay ninyo ang panliligaw sa akin hanggang sa pumayag na nga akong magpakasal kahit hindi ko pa siya sinasagot. Tanga ano. Sa Maynila kami ikinasal, sa Espiritu Santo Church, malapit lang sa mga Tia Celing. Ang reception ay sa bahay nila aling Sidra (SLN), tiyahin ng Tia Celing na magkalapit lang sila ng bahay. Sa Obrero kami tumira, 347 Aguilar, Obrero, tondo, Mla. Ilang kalye lang ang pagitan namin nina Luis at Tindeng (SLN). May nilipatan pa uli kami pero doon sa lugar na yon, tabi naman nina Angeling Padilla. Kilala mo siguro ang mga anak noon. I had Jess in August 1954, Larry Nov. 1956. Then having another on the way, si Larry ay nagkameasles, tapos siya ay nagconvulsion. Nataranta ako, itinakbo ko si Larry sa Grace Park sa doctor doon. Nasa trabaho ang tatay. Pagdating niya akao'y nakahiga e dinugo ako, ako naman ang itinakbo sa Mary Child Hospital. Noon ako nakunan. Gusto ko namang magkaanak ng babae, alembong din ano. So 1959, noon naman kita ipinanganak. Ikaw lang ang odd year sa mga kapatid mo. They were born 1954, 1956, 1959, 1962, and 1964 . After a few years napapasok naman ang Tatay sa Puyat Lumber sa Surigao del Sur. Former na trabaho niya ay sa Macondray, mahusay ding compania yon. Kaso nakabangga niya yong engineer doon at mas marunong ang tatay mo kaysa kanya at mas marami siyang alam gayong 7th grade lang ag natapos ng tatay. I admire his tenacity at saludo ako talaga sa kanya. Minsan siya ay oowi galing sa trabaho ay natanaw niya si Annie sa bubungan ng aming pinaka porch. Nangatog daw ang tuhod niya. Hindi niya matawag si Annie, ayaw niyang siya'y makita ni Annie at baka tumalon at salubungin siya. Pinagpawisan daw siya, marahan mabilis ang lakad niya hanggang siya makarating sa bahay. Tuloy akyat sa palupo ng aming porch. Hanggang sa makababa silang mag-ama ay katal na katal siya. Ako naman ay noon natakot at at nagkanervios at hindi ko alam na naka-akyat pala siya sa bubungan namin. Hindi ko mapagalitan at hindi ko mapalo si Annie at sabi ng Tatay pagsasabihan na lang niya na huwag na uling agawin yon. Whew, ang mga bata nga naman. After a few weeks omuwi na kami sa Luzon at namatay naman ang Tio Inoy (SLN). Hindi na tayo pwedeng mag Maynila at walang trabaho ang tatay. so umuwi tayo ng san Pablo at doon muna tao nakituloy sa mga tia Rosing (SLN). Ang tia Meding naman at Tio santos ay magkaaway na mortal.. Ang Tia Rosing kasi ay kay Ate Meding nagbabayad ng rent. Sabi naman ng Kuya Santos ay siya ang nagpagawa noong silong na yon pero si Tia Meding nga. Alam mo naman dinadaan ni Kuya sa pagkapanganay (SLN). Hindi naman pwedeng makituloy na lang tayong lagi kaya ako ay sinocorohan muna ng Tia Meding. Ibinili tayo ng bahay sa looban. Remember? Nakaswerterte naman ang tatay makapunta sa Vietnam. Five years akong nagbabayad sa Tia meding sa ating bahay at budget.