Ikatlong Kabanata

Created by babes_lgf 11 years ago
January 28, 2010 Ayon sa apong si Justina Cosico La Guardia: Ang Mamay Justo ay tatay ng Cornelia Belen at Severina Belen, ina ni Ate Petra. Ang kapatid ng Justo ay si Eulogio, ama ni ate Biang (lola nina Usting). Noong panahon ng World War I ang magkakapatid na Justo at Eulogio ay commander ng mga guerilla. Pagkatapos ng giera ay ipinangalan sa kanila ang kalyeng papuntang libingan, ang Hermanos Belen. Sa ngayon ay naroon pa rin ang kalyeng iyon pero pinalitan na ng pangalan. Ang Eulogio (Anda Hiyo) ang napangasawa ay si Pantaleona (Na Fanta), kapatid ng Mamay Dino (tatay ko, Regino Cosico). So ang tatay ko ay bayaw ng Anda Hiyo na kapatid ng Justo. Balita sa pagkapalikero ang Mamay Justo. Sabi nga eh maraming anak sa labas. Ang Nanay ko at nanay ni Ate Petra ay iisa ang ina, anak nga ng Justo ( ?). Si Ma Delfin ay iba ang ina, si Na Felicing ay anak ng Ingga. Meron pang Pacio na taga Calauang na anak ng Justo sa ibang ina. Doon siya nagtapos sa Nanay Ingga na taga Batangas. Sinabi niya sa Mamay Justo na kahit ako batang ganire ay hindi maari sa akin yang kalokohan mo. Kaya nagtino na siya doon at si Na Felicing na ang last niyang anak. Ang Mamay Justo ang namimili ng mapapangasawa ng mga anak niya. Siya ay nagpapagamot sa mga Espiritista. Nakita niya si Na Imay. Nagustuhan niya para kay Ma Delfin. Malaking tanda ni Na Imay kay Ma Delfin. Sabi ng Justo walang differencia ang edad. Tinanong niya si Na Imay kung saan nakatira at pati ng mga magulang niya. Makailang araw dumating sila kasama si Ma Delfin. Wala yong avi avisa basta daw at sila ay mamamanhikan. Napatawa nga si Na Imay at hindi na raw siya tinanong kung may gusto ba siya sa anak niya at saka totoy na totoy pa raw si Ma Delfin. Ang sagot naman ng Justo ay maigi nga yong mga bata at mainit sa laban. Hindi naman makatanggi ang magulang ni Na Imay. Ora orada ikinasal na agad sila. Ang bahay naman sa Tikew ay napakataas, doon din sa may bahay ngayon (sa Tikew) kaya sa isang sulok ay ipinagpagawa sila Ma Delfin ng isang kumpletong bahay (sa ilalim ng bahay namin. Totoy pa nga at wala naman siyang alam na trabaho kundi manirador ng ibon) Mahal na mahal naman ni Mamay Justo ang mag-asawa lalo na at matanda si Na Imay ay mapasensiya daw. Sa Tikew naman ay may nakursonadahan siya para ki Na Felicing. Siya na ang gumawa ng paraan para mapalapit kay Na Felicing. Entoces kasal agad. Sila Ma Delfin pala ay 12 ang anak, panay namang namatay sa beriberi. Si Na Felicing naman at nakatatlong anak. Yong panganay niya ay babae, Angelita ang pangalan. Ewan ko kung ano ang naging sakit noon, mga 4 years old na namatay. Si Mars (Marcelo, asawa ni Sonia, taga Tikew) ang bunso niya. So yon ang buhay ng Justo Belen. Takot na takot ako doon. sabi ni Na Imay pag naririnig ko na raw ang voces noon ay ako'y paali-alipod sa pagtatago. Ang laging sabi noon sa akin ay, heh - ang puki nang inang ito at laging nagtatago sa akin. That's the story of Justo Belen.