Her UP days, 1946

Created by babes_lgf 11 years ago
July 26, 2006 Dear Tintin, Thanks for sharing your early UP days in Mindanao. Naalaala ko ng pumasok ako sa UP Diliman (1946) kami ang mga pioneers doon. Ganyan din ginagawa pa lahat ng buildings. Ang palibot ay gubat pa kaya lalo kang matatakot. Mahahaba rin ang mga lakarin namin. So, ayun nakatapos din kami sa gitna ng construction at sa gubat na unti unting nahahawan at nagmukha ng civilized world. Keep up the good work. Huag kang tutulad sa akin na walang maireport sa aking prestigious alma mater na nagawa ko o na accomplish ko na maipagmamalaki niya. Kabilang ako doon sa mga silent minority. But I'm still proud of myself despite the no accomplishment. Now as to yourself relax. Don't be bookworm take everything in a stride. Just set to you goal whatever it is. Okay, huag mong sunuging mabuti ang kilay mo like Jose Rizal. Again thanks for sharing and here's for the best. I love you. Lola